May mga bagay sa buhay ko na ayoko ng balikan. Mga bagay na masasabi kong sana hindi na lang nangyari o pwede nyo ring sabihin na pinagsisihan ko.
Ayoko ng balikan ang ilang bahagi ng kabataan ko. Ang maagang pagkawala ng kamusmusan ko.
Ayokong balikan ang panahon na lumipat kami ng bahay kung kailan nagkaroon na ako ng mga kaibigan sa dati naming lugar.
Ayoko ng balikan ang naranasan ko noong recognition rites namin nung grade 4 ako. Bukod sa hindi ko nakuha ang over all best in conduct award, napahiya pa ako noong mismong recognition rites ko. Well, in general pala ayokong balikan ang grade 4 ko that was my worst grade ever.
Ayoko ng balikan ang panahon na kailangn kong lumipat ng school. Kasi it only means na I need to start from scratch.
Ayoko ng balikan ang pagrerebelde ko noong third year highschool ako. Nakakahiya ang mga pinagagawa ko nun. Dito ko rin nasaktan ng sobra ang mga magulang ko.
Ayoko na sigurong balikan ang unang beses na na-inlove ako. Kung alam ko lang na gagamitin nya lamang ako kaya sya mabait sa akin, hindi ko na sana hinayaang masaktan ang sarili ko.
Ayoko na sigurong balikan yung panahon na minahal ko ang isang close friend ko. Aside from nasasaktan ako madalas, lumabas ang kakaibang side ko, everybody saw the worst side of me.
Ayokong ng balikan ang una kong trabaho. Overworked underpaid. Ayoko ng balikan yung mga panahon na sobrang hirap ako, sobrang tipid. Ayoko ng makitang nagsasangla ng alahas ang mga magulang ko para may ipang tawid lamang sa pang-araw araw.
Ayoko ng balikan ang panahon sa akala ko noong dream job ko, na hindi na ako masaya. Promises were broken and I was never that desperate to get out of the job.
Ayoko ng balikan yung panahon na nasa Starcom ako kung saaan nakakatanggap ako ng masasakit na salita sa kabila ng pagsisipag ko sa work.
Ayoko na ring balikan ang panahon na hinayaan ko ang sarili ko na magfall sa isang taong alam ko naman from the very beginning eh suntok sa buwan, Hinayaan ko ang sarili kong magpakatanga sa isang tao. Hinayaan ko ang sarili kong maniwala sa isang bagay na isang fantasy lamang.
Ayoko ng balikan ang panahong kailangan kong iwanan ang mga bagay at taong mahalaga sa akin para pumunta rito sa Canada. Masaya ako sa work ko at mga officemates ko at lahat ng mga close friends ko ay kailangan kong iwan.
Sa kabila ng lahat, naisip ko ito yung mga karanasan ko na nagbigay sa akin ng lakas ng loob, nagturo sa akin ng mga bagay na dapat kong malaman, ang nagpatatag sa akin at ang ilang sa mga ito ay naranasan kong maging masaya. Ngayon naiisip ko, oo ang mga bagay na ito sa aking buhay ay mga pangyayaring hindi maganda at nasaktan ako pero ang lahat ng ito ay bahagi ng buhay ko, bahagi ng pagkatao ko na kahit kailan ay hindi na mabubura sa akin. Hindi ko pinagsisihan ang lahat ng ito at siguro kahit ayoko na muling balikan ito kung bigyan man ako ng pagkakataon na balikan ang nakaraan at baguhin ang mga nakaraan siguro gusto ko pa ring pagdaanan lahat ng mga naranasan kong ito. Dahil hindi ako mapupunta sa kinalalagyan ko ngayon kung hindi rin dahil sa mga pangyayaring ito.
Thus, I'm back at blogspot.
