Yey! Today is my compulsary day off!
So you may ask why do I have a compulsary day off? Well its a sort of payment of rendering work over time to the point that you need to stay till past twelve midnight at the office. Actually, I promised myself that I will not do overnight again but I was soo wrong.
Maybe I'll give a weekly update before I continue
Last tuesday, Meann and I watched the advance screeing of The Break Up. Wala lang I'm quite disappointed with the ending but the thing is the ending very realistic although syempre I'm expecting more. Although that is not the highlight of the night. Freaking I was interviewed after the screening,you know the "The movie is great!" thing. Peste kasi si Meann nagmamadali kaya ayun naharang ako bigla with the camera and all. So guys if I'll be lucky enough my interview may be aired in ETC. Thank God that was Cable if its a local tv thing, I'm really gonna die. Hehehe.
Wednesday, I really have no plans na magovernight sa work. But the freaking bastard asked me to finish the work I'm doing that night. Nakakainis it was originally set on thursday and bigla nya akong mamadaliin given na may mas urgent na work na pinapagawa sa akin prior to that. Syempre mahaba yung gagawin namin and I asked for additional reinforcement but no isa lang ang binigay nya at nagdagdag na lang sya nung gabi. Buti na lang masaya yung mga kasama kong nag-overnight kami. Hay naku kung dati mega bow ako sa iyo ngayon sobrang hindi na.
Thurday, tanghali na akong pumasok kasi nga nag-overnight kami. Ayun din pinaalam ko na rin na i-aavail ko na yung cdo ko this friday. Weird thing hindi ako masyadong harass ng araw na ito kasi after kong mag-implement eh wala na akong ginawa. Although the sad part of it is seeing a super jolly person cry. Grabe sobrang nabreak ang heart namin nung nakita namin syang umiyak kasi parang sya na lang yung nagbibigay ng comic relief sa group. Hayz, I really hate thursday talaga.
So here comes friday. So ayun planado na ang araw ko. Thursday pa lang pinlano ko na ang mga gagawin ko. Una, magpapa-id ako sa SSS, then punta ako ng robinson at magpapagawa ako ng new pair ng bifocals. After that punta ako ng UP. As usual hindi natuloy ang plan ko. Nung nagpunta ako sa SSS ang sabi sa akin eh off line daw yung sa id nila tapos naman ayun nakapagpagawa ako ng salamin. Since kinancel ko yung pagpunta ko sa UP kasi nagtext si Meann na sasama sa gala ko at hihintayin ko pa syang lumabas, mineet ko muna si Peña. Eh ang walanghiyang Penny eh binroadcast kaya ayun napilitan tuloy akong harapin yung mga former team mates ko. Pero before nun, sinamahan ko muna si Penny at Bai na magpa-encash ng check at ayun nakita ko na naman yung crush ko sa HSBC hehehe. So ayun, ok naman yung lunch with former teammates from ACNielsen. Thanks nga pala Penny for the treat!
So there punta na ako sa Megamall kasi dun yung meeting place namin ni Meann ng 3pm. So habang wala sya, bumili muna ako ng book 6 ng BEERKADA:BEERKADA OFFCAMPUS at ng office stuffs tas biglang text ang Meann na malalate sya. So umupo muna ako sa lobby at nagbasa. Guess what time dumating ang Meann:4pm! May text pa syang ganito na:"Guadalupe na ako 15 minutes" and she texted that at 3:05pm. Pero infairness naman kay Meann,nilibre nya ako hehehe.Thanks Meann!;P
Hay naku, as of ginagawa ko ito me nagvivideoke pa rin dito sa labas namin gudlak naman di ba? Tas may pinakilala pa sa akin! Haller not interested.
Hay naku pinapapasok ako bukas pero wala akong balak pumasok. Haller,I'm having a life here. Sabi nga ni Meann, "alcoholic" daw ako. Figure it out.
Friday, July 28, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment