Tuesday, October 24, 2006

When Dreaming Ends

As of the moment na sinusulat ko ito, tapos na ang pangangarap at pagpapantasya. Masakit mang tanggapin, oo naramdaman at napatunayan ko na wala lang ako sa kanya. Nakakapagod na rin. Nakakapagod manghingi ng konting atensyon at pagmamahal. I'm sick and tired of begging for love. Lalo na alam mo sa simula't simula, wala kang aasahan. I've left my walls down again. Masyado akong umasa sa mga maliliit na bagay. Naniwala ako sa mga sinabi ng mga taong malalapit sa akin. Tama na, pinagsisiksikan ko na naman ang sarili ko sa isang taong ayaw naman sa akin. Sa totoo lang, medyo sa akin ang problema, bakit hindi ko ba magawang ituring sya bilang kaibigan lang? Patawad pero nahihirapan din ako, hindi ko pa kaya ngayon pero sinusubukan ko. Pero sya na ang umiiwas.

Hindi ko sinasabi ito kasi masama ang loob ko or galit ako, natauhan lamang ako. Narealize ang mga bagay. Salamat sa mga taong nagbigay liwanag sa isip ko. Alam ko mahirap itong pinagdadaanan ko pero kakayanin ko. Sa mga panahon na ito kailangan ko ng mga kaibigan pero siguro kakayanin ko munang mag-isa. Gusto ko munang mapag-isa.

Gusto ko na munang mawala. Lumayo at magisip-isip. Hindi ko na kayang magtake muna ng risk.

Tama na, tapos na, natigil na ang panaginip. Kailangan ng magising at mabuhay sa totoong mundo.

No comments: