Naalala ko dati super nag-eenjoy ako sa pagbabasa ng mga horoscope especially yungs a Libre. Well, even before pa naman lagi kong binabasa yung horoscope ko sa mga newspaper or even sa comics. Minsan kasi nakakatuwa na parang minsan close to what your reality is. Minsan nga sa sobrang pagkatuwa ko eh binabasahan ko yung buong team namin dati sa Starcom hehehe.
Anyways, medyo nakakapraning lang kasi yung horoscope ko this past two days. I have a daily desk calendar kasi with my horoscope in it. So ayun, yung horoscope ko yesterday has something to do with profitable change that will come my way. Eh syempre ang biro ko either magkaka-increase ako or I'll find a new job. Lol. Tas yung ngayon naman may significant alteration naman daw sa program ko. Lol! Parang may gusto bang ipahiwatig sa akin ito?? Hehehe.

No comments:
Post a Comment