Dumating yung point sa buhay ko na nalubog ako sa lusak. I am not proud of it pero I won't deny it naman na I've been there. Although hindi naman yung level na pumokpok ako or something lol!
I guess lahat naman ng tao dumating sa point na they did something na parang they are not very proud of. Ako dumating ako sa point na naging destructive ako. Gumagawa ako ng mga bagay na nakakasakit sa ibang tao at nakakasakit sa akin. Siguro yung worst side of me eh yung time nung fourth year college ako. Andito talaga yung time na I feel na napakasama kong tao or people made me feel that. I think the only good thing that came out from it was I found my best friends that accept me for whatever I am.
Siguro isa sa mga pinanghihinayangan ko is nawala yung friendship ko sa isa sa mga taong I consider na naging super close ko.
Dati noon pag nanonood ako ng soap opera hindi ko maintindihan yung mga contrabida na gumagawa ng sobrang kasamaan all in the name of love. Pero after nung mga napagdaanan ko, I somehow understand them na. I am not justifying na tama ang ginagawa nila pero I realized na when a person is desperate for love, kung ano anong bagay ang magagawa mo.
Syempre I learned my lessons na after ng mga naranasan ko that time. Paminsan minsan nagiging destructive ako pero it's not as bad as before.
Ayoko ng gumapang sa lusak muli.

No comments:
Post a Comment