Hindi ba nakakainis ang mga taong who are posing as model christian pero in reality karamihan sa mga ginagawa nila is very unchristian?
Wala lang, nakakainis lang talaga ang mga ganitong klaseng tao. You know mga nth level na ipokrito. Mga bait baitan, religious, active sa mga religious group, yung tipong kung mangaral is kala mo kabisado na nila yung bible at sobrang naiintindihan nila, yung laging nagsisimba tuwing linggo pero they way they treated other people, mga action nila parang hindi bagay sa pinoportray nilang image. Parang waw ang galing nyong mangaral pero yung mga pinaggagawa nyo parang hindi yan yung tinuturo nyo at sinasabi ah. Wala lang sobrang naiinis lang talaga ako sa mga taong ganito, mga kung magsalita eh mga ms know it all or mr ako lang ang magaling. Parang wake up parang kailangan nyo na atang ireview ang bible kasi hindi na kayo nakakatuwa di ba? Panindigan nyo naman yung bait baitan chuva nyo.
Syempre may mga magrereact na parang kala mo kung sino akong santong magsalita. The thing is I'm not posing as a model christian, di ako every sunday nagsisimba, hindi ako umaasal na bait baitan, hindi ako nagpapakaipokrito na mega pakita ng pagdamay sa mga taong hindi ko naman talaga kaclose, hindi ako active sa mga religious group or organization, nagmumura ako, nanggagago ako pero I still know how to be a christian. What I'm trying to say is I'm not using my faith for my own image, para lang magmukhang mabait.
Alam nyo yung story sa bible about the two guys na nagdadasal sa temple? According dun sino ba yung mas pakikinggan ng Dyos, ung hambog o yung nagpapakumbaba?
Sana isipin naman ng mga taong ito kung maganda ba ang kanilang ginagawa o hindi sa kapwa nila. Please lang practice what you preach.
Wala lang. Baka may matanggap na naman ako na text na "Don't try to be pious in expense of others". Tangina talaga kung sino man ang magsesend nun mag-isip isip ha, baka ikaw yung nagpapakapious pero ang ugali at gawa mo bulok. shit.
Thursday, February 02, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment