As far as I remember it was Wednesday nung mapansin ko ang mga taong nakahiga sa sementong sidewalk ng Ultra. After that night araw araw ko na silang nakikita especially sa gabi kasi doon yung daan ng shuttle na sinasakyan ko pauwi.
I was informed by my cousin na mga nakapila iyon para sa Wowowee anniversary special kasi limited nga lang daw ang papapasukin kaya yung iba pumila na agad. Syempre nairita na ako sa Abs at that time parang sana meron na lang ticket na ipapamigay sa ibang araw para hindi naman magmukhang kawawa yung mga nakapila dun.
Then come Thursday and Friday, dumadami ang tao..I never knew that I was looking at a pre-tragedy scenario.
Saturday, I turned on the tv at around 9am and voila news sa abs cbn, stampede and 60+ na ang patay. I was schocked, really, and then nagpuyos ang galit ko for abs cbn. Kahit saang anggulo mong tignan may responsibility sila sa nangyari. True walang may gustong mangyari yun pero maiiwasan sana kung maayos yung ginawa nilang pag-aasikaso sa mga tao at sa event.
Napanood ko pa sa isang international news, i forgot the title kasing biglang lipat lang, they even consulted a Singaporean expert about sa nangyari and outright nyang sinabi na ang organizers ng event ang may responsibility.
Yup, the intention was there, tumulong at mamahagi ng pera pero sana naman binigyan ng kahit paano na respeto at dignidad ang mga taong sinasabi nilang gusto nilang tulungan. Sana hindi nila pinagmukhang kawawa ang mga taong ito na pinatulog nila sa kalsada tas na walang kasiguraduhan na mananalo sila. Malamang magkakagulo talaga yan lalo na nung sinabi na limited lang yung raffle ticket. Marami namang paraan para mamahagi ng pera kung yun talaga ang intention, pwedeng ibigay na ng advance yung mga ticket or gaya ng sa eat bulaga na nakapamigay sila ng over 1 million tru telephone lang. Sana pinaghulog na lang nila ng raffle entry tru drop boxes yung mga tao para hindi na sila bibiyahe papuntang maynila, pedeng tru cellphone or mag tour na lang sila sa Pilipinas. Hindi yung aakitin nyo silang pumunta ng maynila para sa ganyan. Pera yan, lahat talaga maakit.
Tapos sasabihin nyo hindi nyo habol ang ratings or pagiging number one, ano ngang tawag sa ginawa nyong pagakit sa mga taong pumunta dito? Tapos gabi gabi kinukunan nyo ng video ng media para ipakita yung mga taong gustong manood ng Wowowee, you must be joking me. Tas sasabihin ni willie na gabi gabi pumupunta sya dun para mag-ikot, naatim mong makita ang mga taong ito na matulog sa lansangan na magmukhang pulubi tas wala lang sa iyo tas kung kailan patay na yung iba sa kanila tsaka ka nag-iiyak dyan?
I must say sobrang humanga ako kina Eugenio Lopez and Charo Santos for taking and admitting full responsibility sa mga nangyari. Walang masyadong kiyaw kiyaw unlike others na daldal ng daldal na akala mo ang gagaling eh wala rin namang sense ang mga pinagsasabi.
Noli De Castro for example, potek pinapakita mo na wala ka talagang alam. In an interview biglang sinisisi mo ang mmda dahil puro traffic lang ang inaasikaso at hindi inaasikaso ang mga tao sa labas ng ultra, uhm, Mr. De Castro kailan pa naging trabaho ng mga mmda persons ang asikasuhin ang mga tao na pinapunta ng abs cbn sa ultra? Binabayaran ba sila ng abs para gawin yun? alam ko sa traffic talaga sila naka-assign. In an interview done by gma, the host asked "ano po kaya pwede naming maitulong or yung mga kailangan" At ang sagot ni Noli "eh sagot na naman ng abs yung mga kailangan tsaka kayo personal nyo naman yun kung anong tulong ang ibibigay nyo" aaargh i really would have GMA rather than you replacing her place.
Sharon Cuneta is another person na kinaiiritahan ko. Parang daldal ka ng daldal about sa stampede and the thing is uhm kailangan ba ng pagkahaba habang litanya? And ang ending eh parang nagpopoint ka ng fingers sa government na sila talaga ang may kasalanan. Uhm ms cuneta true poverty ang puno't dulo ng lahat,matagal ng meron sa Pilipinas nyan at yung poverty na yun ang ginamit nyong way para makahakot kayo ng tayo. Yun yung nakita nyong paraan, wowowee in particular, para makakuha ng maraming tao. Kayo ang nagsamantala sa mga mahihirap. Oo, gusto nyong makatulong but the thing is kailangan bang kawawain muna yung mga tao bago tulungan? And now pointing fingers na lang ang ginagawa, hey, umamin na ang mga execs nyo, i mean sila hindi na sila nagsalita ikaw kung ano-ano pa sinasabi mo.
Hindi ko masisisi yung mga tao na nanulak or what so ever, imagine you've been there for how many nights and days tas its natural na gusto nilang makapasok sa loob. Pero kung maayos lang ang ginawang sistema at naging disiplinado sana ang mga tao wala sanang ganito.
At least natigil for a while network wars at nagkaisa ang at least entertainment industry because of the stampede.
Sheesh Kailangan ko lang talagang iblog ito.
Sunday, February 05, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

2 comments:
tama ka, inde dapat nangyari ito. Naawa tayo sa mga pamilyang umasa sa show, nagpunta doon at sa huli ay namatayan. Hindi natin lahat inaakala na maaring mangyari ito sa pagnood ng live ng isang noontime show.
Gusto man nating sisihin abs-cbn dahil show nila ang rason kaya ngtungo ang mga taong iyon doon.. pero hindi kasama sa plano ang trahedyang ito.
Malungkot at nangyari ito.
Ipagdasal na lang natin ang mga kaluluwa ng mga pumanaw, at ang ating bansa.
Alam ko naantig ka din ng kaganapanan na ito, at kung ano man ang gusto mo ibahagi sa kapwa mo, ibahagi mo. God is talking to all of us... tayong mga naiwan.
-cristina
kuya je, cool ka lang. relak lang! pero unthinkable nga talaga siya. :(
Post a Comment