Syempre, papunta pa lang kami mega bloopers na.
Second dumating sina Ele sa akin. Pagbaba nila ng taxi, nasa harap lang nila ako, pero di ko ba alam at saksakan ng bulag yung dalawang ito kasi akala ko nakita na nila ako but no bigla nila akong tinalikuran.
Tas me bata pang naligaw wahahaha. Syempre mega dialogue pa si Meann ng "ayaw kong maghintay ha?" but no, sya ang late.Wakekeke.
So after so much paranoia about riding a JAM bus eh smooth sailing na ang biyahe namin. Sa bus pa lang mega tawanan and ingay ever na to the point na nagagalit ang mga strangers hehehe. Syempre di rin maiiwasan ang mga jologs on the side hekhekhek.
So windang mode uli pagdating sa pier. Tipong di alam kung saan papasok like si Meann hindi makita kung saan bibili ng terminal ticket na nasa tabi nya lang hehehe.
Pagdating sa galera, wala, bonding ever sa room. Same topics, same poot and same panlalait ahehehehe. To think naisip namin na dapat naghotel na lang kami para mas mura. My gulay ang init sa labas kaya sino naman matino ang iiwan ang comfort ng aircon?wahehehe. Para sa mas detailed na kwento go to Meann's blog. http://simeanncute.blogdrive.com
Here are some highlights:

Moments Ko:
My Melanie Marquez Lines:
"NagPATHWAYS na sila"
"Laughing stuff"
Nabusog sa tubig alat, mega burp habang nagssnorkling
Hindi ko rin alam kung may lihim na galit din sa akin ang mga taong ito dahil gustong gusto nila akong ibaon sa lupa. Mas masaya daw kasi pag ako yung nakabaon sa lupa.
See picture above, lahat halos ng solo pic ko, may dalawang epal lagi sa likod. Ewan ko ba kung bakit.
Moments ni Ele:
MS. OVER EXCITED
While we are all trying to sleep, me ganitong linya si Ele:
"I'm trying hard to sleep!" after a minute "Meann naikwento ko na ba yung..."
Forever line:"Picture!!!"
"Ang itim ko na MUKHA NA AKONG BLACK BEAUTY!" <-syempre nagkatawanan na lang kami ni meann dito hehehe
Ele's how to pag namamahay:
1.Gumising
2.Buksan ang tv na malakas ang volume
3.Yugyugin ang kama.
4.If all else fail gisingin ang mga kasama.
Ele says: "naiiyak ako kasi di ako makatulog"
Ele really want to say is:"naiiyak ako kasi di ako makadaldal, tulog na kayong lahat"
"Mukha akong GRO"
"Meann ang ganda mo pala pag lasing"
"Gumagwapo na ang mga tao paglasing ka" (konek the previous line with this line)
Ele, while all of us watching tv, pupwesto haharang sa view, then biglang aayusin ang panty.
Ele do sexy dance while all of us was singing ten ten ten ten..pagbalik sa room
Ele:May natatawa sa ating dalawang guy habang nagtetenenten ten ten tayo
Meann:talaga?
Ele:Eh kasi di ba automatic na sa atin yun?napasayaw pa nga ako eh.
Me:Ikaw lang ang pinagtawanan dinadamay mo pa kami.
Ele: JD sige magkwento ka...(a few minutes later, hindi pa tapos yung kwento, tulog)
Ele huling hirit:
Ele: Mahal ang roro kasi plane yun.
(anu daw??)
MOMENTS NI DAVID:
Kagigising lang while all of us mega chikahan..
"di ba tayo iinom??!!" (pagalit mode)
While eating dinner, another out of nowhere na hirit while we are talking about something else:
"Sumakit lang yung ulo ko pero nagenjoy ako sa snorkling"
Si david lang ang kayang matulog ng sobrang tagal kahit nasa tenga na nya ang bunganga ni ELe.
Infairness, sobrang sweet si David nung bangag mode si Ele
Moments ni Meann
"Gez wat naligaw ako"
nasabihan sya ng "YEAH BABY"
while snorkling, sa sobrang enjoy hindi na inangat ang ulo kahit tapos na. Kailangan pang tanungin ng "Meann are you there?"
Me anggulong sexy hehehe
fashion victim ni Ele hehehe.
"yung sinuka ko color black, blue, tsaka red. Papakita ko pa nga sana eh"
Meann the Pork and Beans Eater wahehehehe
Limang hakbang from the shore lubog na si Meann sa dagat.
Weird expressions/poses lagi sa mga pictures
Nung nagpilian ng pwesto sa kama, biglang naihi ayun sya yung nasa gitna ng pinagdikit na kama.
Size ng short:XL
MOMENTS NI JD
Pagsakay sa bus, tulog.
Pagsakay sa bangka, tulog
Pagdating sa room, tulog.
Forever tulog.
Meann: Saan ba tayo?
JD:Just follow the sea
Ending kakafollow the sea, sa dead end kami napunta
Daming nagpacute na bading at si ateng nakayellow hehehe.
Napapatulog ang namamahay sa pamamagitan ng kwento ng buhay nya hehehe.
Me plan pumunta sa Jurrasic.
Forever mainit ang ulo
Adik sa laro sa cellfone.
Magsasampay ako ng brief at wala kayong pakialam
Other Bloopers:
Pag lumalabas ka ng CR para ka ring rumarampa kasi may mga fashion squad na makikialam sa porma mo.
Forever ang conversation na ganito:
Person 1:(magtatanong sa susunod na gagawin or saan pupunta)
Person 2:Ok lang kahit ano
Person 3:Kayo
napaka decisive namin hehehe.
LSS:"Something happened along the way"
Quotable quotes:"God's Will"
"Girlfriend ba talaga kita? Iniisolate mo ang sarili mo"
Pwede ka ring mapa-away pag me kasama kang ganito:
Guy sa BBQ stand:Ate Camera shy ako
Meann:(pabulong) Pangit ka naman eh
Ele:(walang pakundangan) Dapat lang!
Mga takot sa araw at paranoid sa paglalagay ng sunblock.
Mga antisocials.
Manong Boatman:basta kumapit lang kayo sa tali, marerescue ko kayo.
(waw gudlak na lang pag nakabitaw ka.)
Useful din ang Aquashoes.wakekeke.
Friends comforting one another:
Me: Di naman ako ganyang kataba di ba?
Meann:Oo naman Je, pwede ka ngang magtopless considering.
Me:Grabe Meann mas ok ka pa dun sa iba.Yung iba bilbil kung bilbil eh sa iyo hindi naman halata.
Meann: OO nga
Basta I'm sooo happy with this trip. Basta masaya lang sya. Its not the destination but the trip and with whom you are with. Guys sobrang love ko kayo!=)

No comments:
Post a Comment