After the super harrassed two days at work finally, some break from work!=)
Since may office shutdown(as they called it) wala kaming pasok for two straight days starting today 'til tomorrow and since weekend na rin naman after tomorrow eh di masaya, long weekend. Hehehe.
Although before naman ang kasayahang ito eh katakot-takot naman na stress ang nangyari sa akin. Paaano ba naman ang daming nag turn over ng work sa akin as in hindi ko alam kung ano ang uunahin ko at kung matatapos ko ba sya since magpupuntahan sa Bangkok ang mga bosses para sa training. Luckily, nagawa ko naman lahat kahit may muntik ng pumalya (Whew!) Thanks to my ever reliable officemates!=)
So today, nakakatuwa marami akong accomplishments (hmm not marami pero I'm happy sa mga nagawa ko) Inasikaso ko kasi ang mga papers ko na pinapaasikaso sa akin ng aking ama. Una, nakapagpa-id na ako for SSS then naclaim ko na ang TOR ko and lastly nafile ko na for translation ang diploma ko na makukuha ko next week. Ang saya di ba? hehehe.
Syempre pinamper ko naman ang sarili ko kahit paano, i have my hair cut with matching shave ng bigote at balbas at may bonus pang masahe pero inabot naman ako ng 90 pesos. Hehehe. Not bad na rin di ba? Magaling namang magmasahe si Manong Barbero kaya na-relax din ako. Then after kong magpa-ID for SSS, nag grocery naman ako sa Galeria and kumain ako sa Pancake House, yummy! Tas nabili ko rin ang latest issue ng fave mag ko!=)
So far ngayon, nandito ako sa office ni Ma'am Becca, since wala akong choice hehehe at nagbblog ako. So after this magdidinner kami(kunwari diet dinner daw!) and uuwi na ako sa Pampanga to have some peaceful rest!=)
Btw, naka-Blogger beta na ako, so baka lagyan ko na ng permission ito so baka hindi na lahat makabasa ng blog ko.=)
Thursday, August 24, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment