Its quite sometime when my PC started to get into my nerves.
First, the stupid monitor. Hay naku, forever na lang, laging lumalabo to the point na wala na akong makita. Sumasakit na nga ang kamay ko kakapukpok. Minsan no effect pa rin.
Then, habang tumatagal, patagal na rin ng patagal ang pagboboot ng PC ko. Umaabot na sya ng 30 minutes ngayon peste talaga.
Tapos biglang naghahalt ang system for some strange reason. Shiet.
Tas lecheng ISP yan for some strange reason, super bagal pag sobrang kailangan mo. As in hindi ko maka-access sa net dahil lang sa kabagalan nila. Lech. Tas there are times na di ka makaconnect. Goodluck naman.
So ano ang mga naging consequences ngayon? NagTV plan ako ng mano-mano. As in Mano-mano. Tipong pen and paper. Kamusta naman. Tas hindi ko pa masave yung special edition pics na shinare sa akin ni Honeypie. Langhiya talaga.
Wala naman akong magawa. Una, kasi ayaw ng papalitan nung ate ko since pupunta na kami sa Canada so sayang naman. Tas syempre kasama yung wa akong enough moolah pampalit kasi may iba akong pinag-iipunan. Tas no choice na rin naman ako sa mga isp kasi syempre nasa probinsya so sobrang limited lang talaga ng choices.
Infairness naman sa PC ko, ang tagal na nito sa amin. Third year highschool pa lang ako nung binili namin ito , seven years na rin ito. Yung modification lang na ginawa dito interms of hardware eh yung hard drive lang. Pero intact pa rin yung CPU. Siguro nga lang, medyo hindi na talaga kayang sabayan ng PC ko ang mga bagong technology ngayon.
Pero hassle pa rin. Tsk.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment