Tuesday, January 16, 2007

Di Na Natuto

Ang laki kasi ng problema mo...

Hindi ka na nadala...

Pinaghintay ka na naman nya sa wala. Pwede naman kasi na iabot mo na lang yung kailangan nya. Hindi naman kasi assurance na sasabayan ka nyang umuwi. Ayan tuloy naghintay ka sa wala. Hindi ka naman kasi dapat umasa. Nagpapaka-martir ka dyan. Ikaw pa tuloy yung mag-aadjust dahil dun sa in-ask nyang favor. Nagpaka-tanga ka na naman kasi. Umuwi ka ng late ng mag-isa at wala ka pang napala.

Pero wala ka rin namang magagawa... mahal mo kasi.

***

Last Monday night, nagbonding kami nina Ma'am Becca at Macris sa Starbucks Katipunan. Nakakatuwa lang. we had so much fun and napag-usapan ang mga bagay bagay na nakakagaan ng loob pag inilabas.

I really need this especially these days...

No comments: