Nagising ako sa malakas na katok sa pinto ng kwarto ko.
Hindi agad ako bumangon. Sa isip ko maraming tanong ang pumasok.
"Lunes na ba? Bakit ako ginigising ng ganitong kaaga ng Sabado?"
Ayokong gumising. Ayokong bumangon. Ano bang reason para gumising ng sabado ng umaga.
Pagod ako. Ayokong gumising.
Patuloy ang malakas na pagkatok sa aking kwarto.
Aargh. Ayokong gumising. Maaga pa. Sabado ngayon. Pahinga ko.
Tuloy tuloy pa rin ang pagkatok, ngunit ngayon kasabay na ang malakas na boses ng aking ina at tinatawag ang pangalan ko.
Oo na sige na. Gigising na ako matapos lang ang pambubulahaw sa aking pagkakahimbing.
Pagbukas ko ng pinto. Doon tumambad sa akin ang balita.
Patay na ang tiyuhin ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment