Naisip kong gumawa ng entry about kay Ele. Wala lang trip ko lang. Kaya eto gagawin ko na.
Ele is one of my treasured friends, we've been through a lot of things and yes kahit may kakrung-krungan at kashongaan ang babaeng ito hindi ko ito ipagpapalit (except of course kung maganda yung offer..wahahaha!).
Blockmate ko si Ele nung college,frankly speaking hindi ko sya feel nun! Like one of the noisy girls of our blocks, mukhang sosyalera,erm, sosyalera pala talaga and mukhang napakasama ng ugali, you know plastic ahehehe. So bihira lang talaga macross ang landas namin ni Ele, di rin kami nagiging groupmate or what so we survived first sem without each other.
Here comes second sem, bagsak kami sa Math17 and by twist of fate classmates kami sa 2nd take namin ng Math 17. Actually silang dalawa ni Karen yung classmate ko. Sa kanilang dalawa si Karen yung friendship ko, kaya sya madalas na kausap ko and yung nga di ko talaga feel si Ele but being the oh so feeling close(fc) and gardener na si Ele nakakausap ko rin sya. So that was the beginning ng interaction namin.
Here comes summer, dito talaga somehow, read somehow, parang ok na sa akin si Ele eventhough na mega lakas laitin ni Ele si Orlson, ok naman. Like nakakausap ko na sya ng matino although medyo ilang pa rin ako sa kanya unlike nung kay Karen.
Then dumating yung first sem, second year ito talaga ang matatawag kong bonding sem namin ni Ele. Classmate ko sya sa Math 53 tas classmate ko rin sya sa 21. Syempre ang dami naming kalokohan lalo na sa Stat 121. Yung tipong nasa likod kami, di kami nakikinig kay Ma'am Therese tipong ako nagpapanggap na nakikinig tas si Ele kung hindi nagdodoodle ng name nila ni David eh text ng text. Tas magkagroup din kami sa PS na tipong si Elvin lang ang gumagawa at nagrerewrite lang kami although nung last PS eh napilitan kami ni Ele na kami ang gumawa actually mangopya sa iba kasi late si Elvin hehehe. Ito rin yung time na naging statsoc app si Ele kayaito yung time na masasabi kong naging friend ko si Ele.
Siguro fourth year kami tas BOD yung nagpatibay ng friendship namin. Dito kasi madalas na yung bonding namin nina Ele, naging hingahan namin ng sama ng loob ang isa't isa together with Meann. Sobrang natouch ako nung kinuwento sa akin ni Ele na nung time na nagkaroon kami ng malaking gulo, nung kinausap daw siya ni Wendell sa loob ng car nila at siniraan ako ni Wendell hindi sya naniwala dahil kilala nya rin ako and look sobrang close kami ngayon. Sobrang appreciated ko yun dahil iba pag trust yung ibinigay sa iyo ng kaibigan mo and knowing that your fried has faith in you.
Ilang mga bagay na si Ele lang ang mayroon at makakagawa:
1.Hindi mo alam kung sinasadya nyang magpakashonga or shonga lang talaga sya
2.Masarap Apihin
3.Dominante ever - tuwing may lakad ang S^2 sya lagi ang nasusunod and mega deny sya na naglilider lideran sya.
4.Lukaret
5.Si Ele lang yung so persistent na hind titigil at gagawin lahat ng way para masunod ang gusto nya for example may survey kami sa Carmona, nagsinungaling na nga ako kay Wendell na nasa Pampanga para di makasama eh sinundo ako sa stat at sapilitang dinala sa Carmona para makapagsurvey.(Imagine paalam ko UP lang tas napunta akong Cavite at maghapon kong dinakdakan si Ele)
6.Forever Late - bihira lang ata maging ontime ito.Imagine sa building na nila mismo yung meeting place nauunahan mo pa sya.
7.Mapagpanggap Ever - Susme pati kaibigan yung tipong mega kwento ka ng sama ng loob tas makikita mo yung mukha nya na hindi naman interested sa kwento pero mapagpanggap!
8.Shopholic na Pulubi - ito yung taong madalas daing ng daing na walang pera pero pag shopping na ang usapan Viola nakapagmagic ng pera
9. Gumagamit ng kaibigan para sa kalokohan..UMAMIN KA! Wag ideny!
10.Kayang dumaldal 24/7
11. Stalker Magnet
12. ADIK sa gadgets
13. Service ng S^2
14. Mapang-api
15. Typo-error queen
16. May power na pag-awayin ang ibang mag-jowa hehehe
17. May battered boyfriend
18. May tendency na magkaroon ng battered husband
Ele is always there for me whenever I needed her. Kaya kong maging ako pag kausap ko sya or kasama ko sya. Sya yung kasama ko sa lahat ng kapootan, kakrung krungan and kawindangan. Kahit binubugaw at binebenta ko yan at nakakairita some of the time sobrang love ko yan.
Btw sa mga interested kay Ele we have reasonable prices please contact me or Meann na lang.hehehe. Only Male customers are welcomed.
Monday, April 10, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment