Sunday, April 23, 2006

Liham

Nagsimula na ang mga araw na wala ka..

Sa totoo lang, natutuwa rin ako sa paglisan mo sa kumpanya. Alam ko na ang isang katulad mo na may talino at galing ng katulad ng sa iyo ay hindi nababagay sa iniwang trabaho mo. Hindi ang katulad mo ang gagawa lang ng mga presmat. Alam ko mas malalim ang gusto mong gawin.

Nakakalungkot lamang na hindi natin nagawang maging mabuting magkaibigan. Hindi man nating nasubukan magkwentuhan ng medyo matagal tagal, tungkol sa buhay at sa iba pang bagay maliban sa mga basic info at sa trabaho. Hindi man lang natin nasubukan na kumain ng sabay, manood ng sine o gumimick o tumambay ng sabay sa fire exit or sa rooftop. Nakakalungkot lang ring isipin na wala akong nagawang request man lang mula sa iyo. Hindi tayo nabigyan ng oportunidad na maging magkatrabaho sa isang project.

Ang nakakalungkot na bagay..hindi mo man lang nalaman o hindi ko man lang naparamdam sa iyo na ako'y may pagtingin para sa iyo.

Nagsimula lamang sa simpleng paghanga, hindi ko naman inakalang mahuhulog ang loob ko sa iyo at mamahalin kita. Ngunit ngayon wala ng pagkakataon para maiparamdam ko sa iyo ang aking pagmamahal. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon. Hindi tayo nabigyan ng pagkakataon upang makilala nating mabuti ang isa't isa.

Dati rati'y kuntento na ako sa mga simpleng usap natin at batian pag nagkakasalubong, sobrang ligaya ko na pag lumagpas ng 5 minuto ang usap natin gaya nung sabay tayong umuwi at nakasabay kitang maglakad hanggang kanto ng edsa. Sabi ko ok na iyon dahil hindi ko alam na sandali ka lang pala at mabilis na mawawala.Ngayon ay nanghihinayang ako sa mga pagkakataon na maari kitang makausap at makilala ng lubos.

Kung alam mo lang ang effort ko upang makasabay ka sa pagpunta ng cr o kaya'y sa pagkuha ng tubig. Hindi ko lang alam kung nahalata mo ba o hindi na tuwing pupunta ka ng cr at kukuha ng tubig ay madalas tayong magkasabay. Ngayon ang mga lugar na iyon ay mananatili na lamang ng ala ala ko tungkol sa iyo. Ngayon, tuwing pupunta ako sa mga lugar na iyon, alam ko may kulang na...

Kung alam mo lang ang pagtytyaga kong maghintay minsan upang muli kang makasabay sa pag-uwi at paglakad papuntang edsa. Kung alam mo lang na may isang beses na muntik na akong hikain sa pagpilit na sumabay sa iyo hanggang kanto ng edsa, dahil nauna ka sa aking bumaba at hindi naki ayon ang mga elevator sa akin. Kung alam mo lang na sumakit ang mga paa ko nun kinabukasan.

Kung alam mo lang na sobrang humanga ako sa iyo hind lang dahil sa iyong hitsura kundi dahil na rin mataas ang pinag-aralan mo. BS Econ ka from UP at may masteral degree ka from Ateneo. Pero higit sa lahat minahal kita sa angkin mong kabaitan. Naalala ko pa ang unang usap natin na lumagpas ng 5 minutes, february 14 yun, nung nagloko ang id ko at ayaw bumukas ng pinto, natuwa ako sa pinakita mong concern sa akin na baka magkaproblema ako sa attendance. Lagi mo akong binabati pagnagkakasalubong tayo maliban na lang sa mga panahon na marami kang iniisip at masungit kita, thus tinawag kitang Sungit. Naalala ko rin nung sinabi ko sa iyo na hindi ako papasok na holy Wednesday nakakatuwa na parang nag-alala ka at sinabi mong sayang ang sahod. Hindi ko alam na isa na pala yun sa mga huli nating matinong usap.

Kung alam mo lang na ikaw ang hiningi kong sign sa Panginoon para manatili ako sa kumpanya na ito pero hindi ko alam na aalis ka rin agad.

Kung alam mo lang na bawat araw ay dinadalangin ko na makasalubong ka at makita ka at may mga pagkakataon na tumatalon ang puso ko tuwing nagkikita tayo ng hindi sinasadya.

Kung alam mo lang na ikaw lang ang taong nakakapagpabilis at nakakapagpabagal ng tibok ng puso ko.

Kung alam mo lang na ako'y masaya at kinakabahan tuwing nariyan ka.

Kung alam mo lang na ikaw ang pangarap kong makasama at ibigin.

Kung alam mo lang na sa iyong huling linggo sinubukan ko na iwasan ka ngunit hindi ko rin nagawa lalo na ng malaman ko ang iyong paglisan.

Kung alam mo lang na lagi kitang dalangin sa Maykapal at humingi ako ng sign sa Panginoon kung may patutunguhan ba ang nararamdaman ko para sa iyo.

Sa tingin ko ay alam ko na ang Kanyang sinagot.

Nung oras na nalaman ko ang iyong pag-alis para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sobrang sakit ang naramdaman ko lalo na nung naconfirm ko at lalo na nung nalaman ko na huling araw mo na pala nung biyernes. Pinilit kong itago ang lungkot at sakit na nararamdaman ko sa likod ng aking ngiti habang kausap ka. Siguro mas mabuti na rin na hindi tayo naging malapit kung hindi mas masakit ang mararamdaman ko.

Wala man lang akong larawan mo, hindi kita magawang makuhanan ng patago dahil natatakot akong mahuli mo at layuan. Makukuntento na lamang ako sa mga alaala ng iyong mukha, ang seryoso mong mukha na nagpalambot sa puso ko, ang mga cute mong reactions at ang iyong pagkaway ng pamamaalam.

Salamat rin sa iyo, dahil muli akong natutong ngumiti at maging masaya. Salamat dahil binigyan mo muli ng kulay ang aking mundo..

Ano pa ba ang silbi ng mga pinagsasabi ko. Masaydo ng huli, hindi mo na rin naman malalaman ito, hindi mo na maririnig ang aking mga sinasabi,hindi mo rin siguro ito mababasa, siguro'y wala ka ring idea tungkol sa blog ko, siguro'y wala ka ring idea na para sa iyo pala ang sulat na ito at siguro wala ka ring idea na ikaw pala ang tinutukoy ko.

Nakakalungkot na muli akong nauwi sa isang pag-ibig na walang kaganapan.

Sana muli tayong magkita at sa oras na magkasalubong muli ang landas natin, sana'y naalala mo pa rin ako dahil ako, alam ko hindi kita makakalimutan...

Siguro sa inyong mga makakabasa nito, hindi nyo maiintindihan ang nararamdaman ng isang katulad ko. Baka pagtawanan nyo pa ako sa sobrang kadramahan at kaweirduhan at maaring itanong nyo, pano ko nasabing mahal ko na ang isang taong hindi ko lubusang kilala. Nakakatawa man pero ako ma'y hindi rin alam kung pano nangyari ito. Naramdaman ko na lang. Bigla na lang nangyari. Dati-rati'y hindi rin ako naniniwala sa mga ganitong klaseng pag-ibig, pero pagkatapos nito, nag-iba na ang perspektibo ko pagdating sa ganitong usapin. Wala akong maibibigay na rason, hindi ko rin alam ang rationale sa ganitong bagay. Ang alam ko lang, nararamdaman na lang bigla ito. Bigla na lang nangyayari. Hindi ko na rin kailangan magpaliwanag dahil hindi naman ito kailangan ng mga nakakaintindi at hindi rin naman paniniwalaan ng mga hindi makaintindi.

"I'm Missing You"

I miss your love, since you've been gone
I find it hard to go on
The summer sky don't mean a thing
I thought I'd always be strong
I got a feeling inside
and it's making my heart cry, cause

I'm missing you
and it's making me blue, yeah
I'm missing you
but what can I do
Thousand miles away, from you

So here I am, and everything's new
I should be happy in love
but all I know, I look deep in my eyes
I've never felt so alone
and this feeling inside
it's making my heart cry, cause

I'm missing you
and it's making me blue, yeah
I'm missing you
but what can I do
Thousand miles away, from you

So what's the meaning of this
to be living like this
it ain't no fun at all
I wonder where are you now
(I wonder where are you now)

I miss your love since you been gone
I find it hard to go on
and this feeling inside I just break down and cry

No comments: