Me mga bagay talaga na akala mo na sa TV or movie lang nangyayari pero nangyayari rin iyon sa totoong buhay.
Kagabi, I decided na sabayan sa pag-uwi si Sungit so mega hinintay ko sya. Then napag-isip ko na hindi bale na lang, una ako umuwi kasi ang tagal nya. So punta muna ako ng cr at nakasalubong ko sya. Ayun usap kami, tas sabi nya uwi na rin daw sya kaya ayun mega balik ako sa workplace. Tas narealize ko na baka mahalata na nya ako ng sobra pag sinabayan ko syang umuwi. Tsaka inisip naka-usap ko na rin sya. So ayun tinulungan ko na lang si Penny sa ginagawa nya. Then nakita ko na sya pauwi na. Nagtatalo pa rin ang isip ko kung sasabayan ko ba sya or what. Tas ayun nakalabas na sya dun sa door dun ko na naisip na bahala na si batman sasabayan ko sya.
(play "pangarap ko ang ibigin ka" song here)
So ayun nagmadali akong lumabas sa office, ng makarating ako sa lobby nakita ko papasok na sya ng elevator. So mega swipe ako, pero syempre di nakisama ang pinto, ayaw bumukas so mega swipe uli ako, ayaw pa rin, tipong tinutulak ko na ang pinto with my body para lang makahabol dun sa elevator. Then sinubukan ko syang hilahin, waw bumukas. Pagdating ko sa lobby syempre ang ganda nagstart ng bumaba yung elevator na sinasakyan nya at yung 3 elevator eh puro going down na. Syempre mega hinintay ko pang umangat yung isang elevator para makababa ako. Pagpasok ko sa elevator, mega nanalangin ako na sana tuloy tuloy nasa ground floor yung elevator. But no pagdating sa 6th floor may mga sumakay at nagbagal pa sila. Grabe talagang hindi umaayon ang tadhana sa akin, pero decided akong makasabay sya, ayokong mauwi sa wala ang paghihintay ko. Pagdating sa ground floor mega una akong lumabas at tumakbo ako papunta sa streets at tinanaw ko kung nandoon pa sya. Luckily, natanaw ko sya, buti na lang pastel color ang suot nya at nakita kong nagyoyosi sya. Medyo malayo, layo na rin sya kaya mega takbo ako para maabutan sya. At ayun, naabutan ko naman sya. Kahit sandali na lang kami nakapag-usap ok na sa akin, basta nakasabay ko sya.:)
O di ba? Parang eksena sa isang soap opera or movie yung nangyari.
Syet nung nagkahiwalay kami mega nanakit ang mga binti ko at parang nanghina ako...Nun lang kasi uli ako tumakbo nung ganung kabilis.
Monday, April 03, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment