Have you ever experienced something like yung simpleng pangarap mo natupad at sobrang happiness ang dinulot nun sa iyo.
Simple lang yung pangarap ko, makausap sya kahit sandalin dun lang ayos na ako.
According dun sa previous post ko, friday morning pa lang, ang saya ko na. Nag good morning sa akin yung crush ko as in " Jerson Good Morning" at pagpunta ko sa CR binati nya rin ako. Yun lang masaya na ako. Ok na sa akin yun.
Then naalala ko, last last week, nanghingi ako ng sign kay God about sa pagsstay ko sa work ko, ang sabi ko pa nga kay Peña, hanggang friday pagkinausap nya ako (si crush), I'll stay kahit simpleng "Hi!" lang ok na sa akin. Yun yung hiningi kong sign kasi maliit yung probability na kakausapin nya ako. Kasi yun yung time na kahit magkasalubong kami, hindi sya namamansin. Then narealize ko last friday, na friday pala nung araw na iyon at binati nya ako. Although, umoo na ako sa pagstay parang God is assuring me na I made the right decision.
So nung malapit ng mag-five, nakita ko na kukuha sya ng water, so I sabi ko sa sarili ko, sige kuha na rin ako, la lang umaasa na kahit simple "hey" or "wuy" lang batiin nya ako. So inubos ko yung almost full na cup ko ng water (imagine that!) at kumuha ako ng water. Then I got more than I expected, kinausap nya ako and parang we engaged in a conversation, common denominator, UP ( thank God for UP!hehehe), Tinanong nya kung anong batch ako, and nalaman ko na grad sya ng UP Econ at nagmaster sya sa Ateneo (astig di ba?) then asked me kung saan ako nakatira at yung province ko, syempre inask ko rin sya ganun small talk.Lasted more than 5 minutes hehehe. Tas ayun sabi nya uuwi na raw sya. Syempre ako, sagarin na yung luck minsan lang mangyari , kaya iniwan ko si Peña hoping na makasabay ko sya. Buti na lang maraming tao so hindi masyadong obvious bakit di ako sumasakay pa ng elevator. Buti nga paglabas nya saktong may elevator kaya di obvious na hinintay ko sya. Ayun konting usap lang sa elevator. Nacute-an na naman ako sa kanya sa reaction nya nung tinanong nya ako kung ilang months na ako, sabi ko magsisix months, sya naman "yey tagal mo na!"
Syempre akala ko, mauuna na sya or what, but no, sinabayan nya pa ako maglakad hanggang edsa and syempre kwentuhan kami. Para akong lumilipad that time. Akala ko kasi never magkakatotoo ang moment na yun for me. Ambait talaga ni Lord, simpleng hi lang ang hiningi ko, sobra sobra ang binigay nya.=)
Ang babaw no pero sobrang special sa akin nito.=)
Salamat nga pala kay Cess para sa pag-uupdate sa akin ng final judgement. =)
Sunday, March 12, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

2 comments:
hindi yan mababaw. :)
at talagang bitter marinara ang name ko ah! change that!!! p
wahahahaha! so pa-anonymous effect ka pa hehehehe. OK na yan! ahahaha!
Post a Comment