Thursday, March 16, 2006

Inspired by SOSA

Yesterday, I attended Statsoc's SOSA aka last genmeet of Statsoc. So sobrang nainspired akong gumawa ng mga Thank You messages sa mga friends ko.

S^2
- guys wala lang, sobrang thankful ako sa inyo at sobrang love ko kayo. Kayo yung naging sandalan ko at ang sumalo sa akin sa mga oras na nabali ang mga pakpak ko at wala akong mapuntahan. Kayo yung kumumpleto ng College life ko. Basta I love you guys.
-Meann->I'm so happy that we have found you again. Alam mo ba na kahit na nagtampo ako sa iyo nung nagmeet uli tayo nung last dinner natin parang nawala lahat yun. Isa ka sa mga sobrang love ko na tao nung college tayo. Since third year kabatak na kita. Nung time na when everyone hates me hindi ka umalis sa tabi ko and I'm so thankful for that. Di ba sabi ko nga ikaw yung angel ko that time. We've shared so many thing,mga rants and raves sa buhay, mga usaping kasawian sa pag-ibig. We are not the type of friends na sobrang bait sa isa't isa we tell each other kung ano yung dapat marinig ng isa, minsan gantihan pa tayo hehehe. Basta, sana di ka na uli mawala..love you girl.
-Ele-> Alam mo kahit sobrang inaapi at inaaway kita, you hold a special place in my heart yung tipong pagnawala ka, sobrang iiyak ako. Alam mo naman na paglalambing ko lang sa iyo yun. Kayo ni Meann ang nagiging sandalan ko pag may kainartihan ako sa buhay. Thanks for the patience and all. Basta alam nyo naman na andito lang ako para sa inyo. Salamat nga pala dahil nung time na may sumisira sa akin sa iyo, ako yung pinaniwalaan mo. Sobrang laking bagay nung para sa akin. Alam mo sobrang di ko alam kung paano ako sasabihin kung gaano ako kathankful sa iyo lalo na nung tayo yung BOD sa Statsoc.Basta sobrang love kita. Pati kay David sobrang thanks din.
-JD->Ang weird kasi halos one year tayong magkasama sa Icom tas nung nasa personnel pa kita naging kaclose. Wala lang sobrang thanks din. Alam mo yung sobrang appreciated kita. Lahat ng mga ginagawa mo for us. Alam mo yun kahit madalas eh api ka sa amin, sobrang love ka namin.

Berks
- kayo yung mga nakasama ko sa college life ko. Sobrang thankful din ako sa inyo. Alam ko marami ng pinagdaanan yung samahan natin and I'm still happy na nandyan pa rin kayo. Basta di ko makakalimutan yung mga masasayang moments natin together.
-Zel->Grabe I can't believe it, highschool pa lang friends na tayo at grabe tipong ikaw yung una kong kasama nung tumuntong tayo sa UP ng first day of classes. Basta sobrang thankful ako sa iyo at sobrang love kita. Alam ko na dumaan yung friendship natin sa mga tests pero eto close tayo kahit maraming churva ang nagdaan. Salamat sa lahat.
-Beng->La lang, sinong makakalimot sa unlimited text hay day natin. Sobrang thanks din sa pakikinig at pasensya na rin kung minsan nauubusan ako ng pasensya sa iyo. Basta alam ko na before mo pa maunawaan ang lahat alam ko na napakasama ng tingin mo sa akin buti naman at nagbago yun. Wala lang, may utang ka pang explanation sa akin.
-Tina->wala lang. sobrang thanks din. hehehe
-Mark->Salamat. Alam mo na yun.
-Macris->Salamat kasi nandyan ka nung panahon na nag-iisa ako.
-Lea->Sobrang thanks sobrang love din kita. Salamat sa pakikinig sa mga pag-iyak ko and all. Salamat at di mo ako iniwan. Dito lang ako for you. Alam mo yun. Pasensya kung madalas nakakalimutan ka namin pero basta love kita.
-Mike-> Sobrang thanks sa lahat. Ikaw yung pinakamadalas kong kasama before. Siguro still part of me nanghihinayang pa rin sa mga nangyari pero gaya ng sabi ko sa iyo, mabuti na rin na may sari sarili na tayong mundong ginagalawan. Basta my door is always open for you. Tsaka sana when you find yourself na walang makasama, welcome ka pa rin naman sa berks.

Random People
-Rae->Who would ever thought na magiging close tayo?? Kahit ako di makapaniwala eh, pero you know sobrang thankful din ako sa iyo. Thanks for accepting me. You know naman na you can always count on me. If you want to kaya ko pa ring gawin yung ginawa natin nung may "unwanted" guests ka.hehehe. Love you girl!
-Tiepee->I can't imagine first year college without you. Sobrang miss na kita. Wala lang sobrang thankful ako sa iyo especially nung time na "the buzz" tandem tayo.
-Karen-> Super thanks din. Ikaw yung unang taong pinasan ko na hindi bata. Wala lang sobrang thankful ako sa inyo ni Ele, sayang nga konti lang yung bonding moments natin.
-Cess->Kahit sobrang binabalahura mo ewan ko nga ba kung paano tayo naging close.Thanks sa lahat lahat.
-Bebs-> Lam mo di ko alam kung anong meron ka at ang lakas lakas mo sa akin. Bwiset ka. hehehehe. Pero la lang sobrang thanks din, sa inyo ni Cess kasi kahit paano I feel welcome sa Stat dahil sa inyo.
-Ronald->Salamat sa mga masasayang update at kwentuhan.
-Jasper->salamat sa pagyaya sa akin sa bonding ng ER.
-Honeypie&Tosca->thanks sa mga masasayang kwentuhan natin.
-Inang Becca->Sobrang thanks talaga. Pinanindigan nyo ang pagiging Inang sa akin. Basta salamat sa pakikinig sa pagdamay and all. Sobrang love kita.
-Myra->Thanks sa pakikinig sa mga rants at kababawan ko dito sa office. Sobrang thanks talaga.
-Someone->Thanks for making me smile again.

Salamat nga rin pala sa mga incoming bod at council sa masarap na chibog yesterday.=)
Baka may part 2 pa ito, di ko pa kasi nakukumpleto yung listahan ko.=)
Smile.=)

No comments: