Monday, March 27, 2006

Love Matters Again

Sabi nila one of the greatest feeling na mararamdaman mo is falling in love pero this feeling can also lead to a lot of heartaches and pains in yout life. Mas masakit ito lalo na pag nasa situation ka na ikaw lang ang nagmamahal, meaning one way lang ang feeling. Mahal mo sya pero hindi ka nya mahal. Minsan for some strange reason parang napakalaking kasalanan na magmahal ng tao na hindi ka mahal, hindi ba pag nalaman ng taong mahal mo na mahal mo sya tas sya walang feelings for you eh parang all of a sudden eh iiwasan ka nya bigla or worse magagalit sya sa iyo. Tipong pagsisihan mo bakit mo sinabi. Ang weird kasi parang itnuturo sa atin na dapat tayong magmahalan pero bakit kaya ganun pag nagmahal ka ng tao na hindi ka mahal or imposible kang mahalin eh kailangan mo ring tanggapin na masasaktan ka on the process or ihanda mo na ang sarili mo na mawawala sa iyo ang taong yun once na malaman nya. Ang weird di ba?

Sabi nila "Love doesn't have to hurt to feel good", pero mas madalas parang magkasama ang love and hurt. Sa ganitong pagkakataon ba dapat mutual ang love? According naman sa isang text message;"Sometimes loving could be so painful & difficult, but its amazing to know that no matter how hard it is, loving someone is still the simplest reason why you'll always find yourself smiling". Ano ba talaga? I mean kung paniniwalaan mo yung una eh pag nasasaktan ka na, hindi na love yun pero kung maniniwala ka naman sa later eh parang part na ng love ang pains.

Siguro balikan ko yung topic ko sa first paragraph, loving someone who doesn't love you back. Minsan pinaniniwala natin ang ating sarili na hindi tayo umaasang mamahalin rin tayo ng taong mahal natin pero deep inside may small voice na nagsasabi sa atin na malay mo mahalin ka rin nya one of these days. Madalas sa ganitong pagkakataon nagpapakamartir tayo. Tanggap lang tayo ng tanggap ng lahat ng mga suntok at tadyak. Kahit sobrang bugbog na ang puso natin ay ok lang sa atin, mahal natin eh lahat ok lang kasi yung nagpapasaya sa atin eh yung taong nanakit sa atin. Syempre irereason out pa natin na hindi naman nya alam na nasaktan nya ako kaya for sure hindi nya sinasadya kasi hindi naman nya gagawin yung kung alam nya. Although minsan hindi natin minemean or intention nasasaktan din natin ang mga taong mahal natin. Akala natin hindi masama yung ginagawa natin pero madalas nasasaktan natin yung mga taong mahal natin. Ang masama pa nun wala silang idea kung bakit minsan nagagalit tayo or nasasaktan natin sila, ang lalabas pa napaka-irational natin. Yun yung frustrating part, gusto mong explain ang side mo pero alam mo pag ginawa mo yun mas malaking gulo ang papasukin mo.

So what's the next stage? Syempre walang lihim na hindi nabubunyag. Malalaman nya na may feelings ka para sa kanya. May tatlong ways para malaman nya, sabihin mo, mahahalata nya or may makikialam at magsasabi sa kanya. Yung last two ways yung medyo tagilid ka kasi pwedeng di mo pa narerealize na alam na nya or bibiglain ka nya na alam na nya, mapapansin mo na lang na umiiwas na sya or may parang nagbago. May iba't ibang reaction yung tao pag nalaman nya, minsan yung iba they are cool about it parang ok lang pero expect mo na may magbabago talaga. Most prob iiwasan ka. Marerealize mo rin na mas masakit pala pag alam nya. Kasi hindi mo na mapapaniwala ang sarili mo sa excuse na "hindi naman nya alam kaya hindi nya sinasadya na saktan ako" Kasi marerealize mo na wala syang pakialam kung masaktan ka man sa gagawin nya o hindi. He/She doesn't care about your feelings.

Then after nung darating ka sa point na mauuntog ka or magigising ka sa katotohanan na wala ng sense ang pagpapakamartir at kailangan mo namang pahalagahan ang sarili mo or just sobra na ang sakit tama na kaya kakalimutan na kita. Most prob we'll push ourselves so hard para makapag move on agad at makalimutan sya. Gaya ng sinabi ko before sa mga previous entries ko yung "crash moving on" eh parang crash diet lang yan, usually hindi effective at mas nakakasama. Paniniwalain natin ang sarili natin na nakamove on pero in reality hindi pa pala and when we realized this para tayong nahulog sa isang mataas na place,masakit ang pagbagsak. I know, I've been there. May mga times rin naman na pinipilit natin na idivert ang attention natin sa iba, yung tipong sasabihin natin na "may bago na ako" or sya na lang yung mamahalin ko, pero sadly hindi rin nagiging effective ito dahil ang motivation natin is para makalimutan lang yung isa. Sinubukan ko rin ito. The best way is wag mong pilitin ang sarili mo na magmove on, wag mong ideny sa sarili mo na affected ka pa rin. Moving on takes time. Minahal mo yung tao eh, hindi naman bigla biglang mawawala yun. Take one step at a time and slowly it will fade away. Siguro libangin mo ang sarili mo and slowly makakalimutan mo rin sya. Sabi nila makakamove on ka totally kung makakapagmahal ka na uli ng iba, I mean, mahal mo sya for the simple reason na mahal mo sya hindi dahil gusto mong makamove on lang. Tama si Sam Milby "huwag hanapin ang pag-ibig ito'y darating..umasang magmahal muli ang syang magagawa".

Nah, I'm no love guru or posing as one..lahat ng mga sinabi ko is based on my experience. But still, I want to believe that love doesn't have to hurt to feel good...

Majika Theme Song
Kitchie Nadal

Aaah......aah...aah
Aaah.......aah....aah

Sa pagsibol ng araw
Nakikiusap na sa ulap
Mapalikas na mapalinlang
Mga aninong bumabalot sa lupa
Bahaghari lang nais na matanaw...

Chorus:
Majika...aaah
Ikaw ang tanging pag-asa
Binhi sa kanyang kinagisnan
Pagkat landas ay di na babalikan

Sa paghamon ng gabi
Bakas ng luha'y susundin
Patungo sa mapaglarong tadhana
At nag-aalab na lihim
Sa ngalan ng pag-ibig ay tutuklasin

Repeat chorus

Kalawakan ay di likas sa binhi
Nadadala lamang ng ihip ng hangin
Kakapit at umaasa
Majika...

Repeat chorus

Aaah...aah...aah...aah
Aaah...aah...aah...aah...
Aaah...

-> latest addiction

No comments: