So tinulugan ka ng mga kagroup mo or may kagroup kang laging natutulog..Unfair? don't worry I'm here to help you to get even on your groupmates! So get your pen and papers children.
Tip #01 Maghanda ng mga permanent markers. Mas maganda kung iba ibang kulay, mas matingkad mas maganda. So forever na lang syang tulog, pwes kailangan ilabas ang pagka-artistic. Mas maganda sa mukha sa mga visible area ng katawan. Make sure na heavy ang marks para mas mahirap burahin. Isulat ang "natulog lang ako habang gumagawa ng paper". Maganda ito pag defense na kinabukasan. Bahala na syang magexplain sa prof bakit ganun ang hitsura nya.Hehehe.
Tip #02 Masyadong mabait para gawin ang tip #01? well magbaon na lang ng camera at kuhanan ang inyong magagaling na groupmates habang sila ay natutulog. Pagkatapos nun ay ipadevelop agad ito at maglagay ng isang kopya kasama ng paper. Pwede ring ipost ang mga pictures na ito sa internet, gaya ng friendster at blog. Kayo na ang umisip ng paraan kung paano gagawing kahiya hiya ang kanilang mga pictures. Pwedeng hubaran sila, or iphotshop ang pictures na nakunan.Pwedeng gumawa ng Overnight scandal!hehehe
Tip #03 Tumawag sa prof at magdrama ng ganito : "Sir,huhuhuhu I can't take this anymore! I don't know what to do na, I'm so alone na, my groupmate is always tulog and I can't make gising kasi sya ay tulog mantika, oh sir I don't know if I can take this anymore, oh sir help me please...oooh sir..oooh"ooops...anyway, ito na ang chance na makabond ang inyong prof at para bumango ang inyong reputasyon sa iyong dear professor.
Tip#04 Itali ang kagroupmate wag papakawalan hanggang second sem. Pag tinanong sya ang isagot ay "di po sya nagpapakita sa amin eh."
Tip#05 Ilagay sya sa acknowledgement. parang ganito: "we would like to thank (name of groupmate) for sleeping everytime we are doing this paper. you inspired us to do our best sobra."
Tip#06 Maging brutal habang natutulog sya. What do I mean, sapak sapakin, tadyakan sipa-sipain habang tulog, kung di man sya magising at least nakaganti ka kahit paano hehehe.
Tip#07 TAPANGAN ANG TIMPLA ng Kape na ipapainom as kanya. kung di effective ang kape palihim na lagyan ng gamot na pampagising ang inumin o pagkain nya, bigyan sya ng dose ng gamot na tatagal ng 5 araw.hehehehe
Tip#08 Sa huling araw ng paggawa ng paper, sya ang paunahing paupuin sa PC tapos matulog kayo lahat at sabihing gisingin na lang kayo pag di na nya kaya, ipaalala na dapat matapos ang paper dahil deadline na bukas. Matulog at magpanggap na hindi nagigising pag ginigising na sya. Tignan natin kung di sya mapraning.hehehe.
Tip #09 Magpadeliver sa MCDo gamit ang pera nya. Wag magpahalata na pera nya ang ginamit sa pagpapadeliver. Magpatay malisya pag hinanap na nya ang pera nya.hehehe.
Tip#10 Manood ng Nightmare on Elm Street. Tas laging ipaalala ang kantang "one two fred krueger will get you three four lock the door five six get your crucifix seven eight gonna stay up late..."
Tip#11 When all else fail, ipakain sya sa inyong friendly ghost or ihire si Freddie Krueger para magset ng example sa lahat. Hehehehe
Ito namang mga tip na ito ay dun lamang sa mga taong exag gumamit nung mga tips na binigay ko last time.Sana nakatulong ako sa inyo.Ciao.=)
Thursday, March 23, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
naku! hindi na ako pwedeng matulog pag may overnight... takot ako sa mga pwedeng gawin sa akin ng mga groupmates ko... hehehe
Post a Comment