Tuesday, March 07, 2006

Madalas Kung Minsan

Madalas kung minsan, nakikita ko ang aking sarili sa kawalan at nag-iisip. Aking iniisip ang mga sapantahang patuloy na gumugulo sa aking isipan. Mga tanong tulad ng masaya ba ako sa kasalukuyang kinakalagyan ko. Masaya ba ako sa trabaho ko o sapat na ba ang ganitong klaseng buhay para sa akin.

Madalas kung minsan sumasagi sa isip ko kung talaga bang nakatakda akong mag-isa sa buhay na ito. Sumasagi sa isip ko ang sinabi ni Meann na "Hindi naman siguro tayo maglolonged to be loved kung cnreate tayo ni God para maging single". Pero kung totoo man iyon bakit patuloy pa rin akong nag-iisa hanggang ngayon.

Madalas kung minsan hinahayaan ko ang sarili ko na mapunta sa isang sitwasyon na alam ko na masasaktan ako. Sabi nga ni Ele "Lagi ka na lang nasa ganyang sitwasyon, loving from a far". Wala na ba talaga akong pagkatuto sa aking mga naging karanasan? Patuloy kong hahayaan ang aking sarili na masaktan muli. Subalit hindi ko maiiwasan ang tanong na hindi ko ba hahayaang masaktan ang sarili ko kung ang dahilan ng aking kabiguan ay ang dahilan ng aking kaligayahan?

Madalas kung minsan ay umaasa ako sa mga bagay na alam ko naman na walang pag-asa. Umaasa sa mga bagay na alam ko na mas malaki ang posibilidad na dalamhati lang ang ihahatid sa isang tulad ko. Pero patuloy na ako'y umaasa...

Ang puso ay nasasaktan madalas kung minsan....

No comments: