Tuesday, March 28, 2006

Minsan Pa sa Rooftop

Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay unti unting napawi ang hinagpis na aking nararamdaman. Dinala ng hangin ang mga luha at mga sakit na aking dala.
Muling ngumiti ang puso ko habang ako'y nasa rooftop.

Matagal na rin ng huli akong umakyat at tumambay sa rooftop kasama ang aking officemate na siMyra. Ito ang nagsisilbing pahingahan at langit namin dito sa opisina. Dito sariwa ang hangin kumpara sa air conditioned na opisina namin. Sa rooftop, malaya at magaang ang pakiramdam malayo sa bigat na dulot ng stress sa trabaho. sa rooftop ay parang nakawala ako sa preso na aking kinasadlakan. Sa rooftop, minsan pa naramdaman ko ang maging malaya.

Napakaganda ng tanawin sa rooftop, sa muli naming pag-akyat ay naabutan namin ang papalubog na araw. Ibang katahimikan at kapayapaan ang pakiramdam sa itaas. Mula sa rooftop makikita mo ang nagtatagong kagandahan ng siyudad na hindi maaring makita mula sa ibaba.

Pansamantala, nakalimutan ko ang aking problema kasabay ng paglubog ng araw.

Ang ihip ng hangin ay tila mga mapag-arugang bisig ng isang ina na hinahaplos ang parte ng iyong katawan na masakit at ika'y iduduyan upang ika'y makapagpahinga ng lubusan.

Kasabay ng takipsilim ay ang pagbabalik sa katotohanan. Back to work na uli...

***
Invisible Me

Is it possible ba na kahit sobrang magkaharap na kayo ng isang tao ay di ka pa rin nya makita?
Ewan ko ba, nagulat ako ng binati kita at hindi mo ako pinansin.. Hindi ko alam kung galit ka ba sa akin or kung anong reason kung bakit di mo ako papansinin...Kahit kinoconvince ako ni Myra na it is possible na di nya ako nakita or napansin..hindi ko mapaniwala ang sarili ko dun...Ewan...

***

Cravings

I crave for Jollibee foods right now! Although nasatisfy ko na yung cravings ko sa Macaroni Salad nila, I still want:
-Crispy Bangus Belly
-Ice Craze
-Champ
-Chicken Joy!

waa! miss ko na Jabi!

***

HUWAAAAT?!?

I just found out na may asawa't anak na ang ultimate crush ko...(this is different from super crush)
Kagulat..ang galing magtago.hehehe

No comments: