Tuesday, March 21, 2006

Overnight Blues

Here I am again to give some tips on how to sleep during overnights where sleeping is a BIG crime. This is dedicated to all students out there who are doing paper works right now.

Tip #01 Tantyahin kung mabait ang mga groupmates. Kung mababait ang mga groupmates and they are so understanding, madali lang matulog sa ganitong situation, just tell them nicely na "Pwedeng matulog muna ako? di ko na talaga kaya eh.. Gisingin nyo na lang ako pag kailangan nyo na ng tulong" The most probable answer will be "ok sige" But be warned that pag pumikit ka na glaring eyes will be over you at maraming whispers ang magaganap kaya wag abusuhin ang style nito at wag abusing ang kabaitan ng groupmates.hehehe.

Tip # 02 The "mag-iisip muna ako" style. Dapat timingan ang paggamit ng excuse na ito. Dapat tipong darating na kayo sa point na medyo malabo ang direksyon ng ginagawa nyo, syempre kailangan medyo maganda posing nyo dito either umupo kayo then hawakan ang ulo or humiga then patong ang kamay sa ulo. Wag muna agad pumikit. Isip muna kayo kahit saglit kahit hindi related sa ginagawa nyo para believable naman na nag-iisip kayo, then slowly, ipikit ang mata. Wala ng magagawa ang mga groupmates mo pagganun. Expect ang katakutakot na pang-aasar paggising.

Tip # 03 The "magbabasa muna ako" style. Halos pareho lang ito ng tip #02 although pwede mong gamitin ito sa kalaliman ng gabi. Tandaan dapat nakahiga ka pagmagbabasa ka, although pede mong seryosohin ang pagbabasa lalo na kung reference book talaga yung binabasa nyo, lam nyo naman ang mga ganitong books daig pa ang bedtime stories kung magpatulog. Again expect ang katakutakot na kantyaw pagkagising.

Tip # 04 Yayain ang mga groupmates sa haus nyo para dun gumawa. Kung makatulog ka man wala silang angal dahil bahay mo yun. hehehehe.

Tip # 05 Makipagshifting. Isuggest sa kanila na shifting na lang ang paggawa para makatulog yung ibang kagroup. Makipagshifting sa pinakamabait sa group para just in case na mapahaba ang tulog mo, sa sobrang bait ng kagroup mo di ka na nya gigisingin at sya na ang magtutuloy. Magadang icombine sa tip #04 ang style na ito.

Tip # 06 Kung di pa naman pasahan kinabukasan ng paper magsuggest na matulog muna kayo for about 4-5 hours para makapagrest at makapag-isip ng malinaw tungkol sa gagawin. More often than not, nauuwi sa tulugan session ang overnight na ito.hehehe.

Tip # 07 Kung ang isa sa mga kagroupmates mo ay hinayaang mong matulog sa mga nakaraang overnight nyo, MANGUNSENSYA AT MANUMBAT (kung walang konsensya) na sya ay pinatulog nyo ng mga nagdaang araw kaya sana ay hayaan naman na ikaw ang makatulog this time.

Tip #08 The "Care Bear" style. Simple lang ang style na ito, walang pasabi sabi matutulog ka. Keber sa mga groupmates. Pakapalan na ng mukha. Hehehe.

I hope makatulong ang aking suggestion sa inyo. Goodluck sa mga papers!=)

2 comments:

Anonymous said...

kuya je, salamat sa mga tips! magagamit ko talaga yan kasi ako lagi ang natutulog sa group overnights namin. hehehe ;D

J said...

Hehehe. May part 2 yan! abangan hehehe